-- Advertisements --

Binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon at nominations para sa susunod na Supreme Court chief.

Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng nalalapit na compulsory retirement ni SC chief justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre 6.

Itinakda ng JBC ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon kasama ang ilang mga dokumentary requirements sa Oktubre 13.

Isa kasing constitutional body ang JBC na siyang nagsasala sa mga nominado at ipinapasa sa pangulo ng mga bakanteng posisyon sa judiciary, Office of the Ombudsman, at miyembro ng Legal Education Board.

Si Gesmundo ay siyang pang-apat na mahistrado na itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2021 at pang-27 chief justice ng bansa.

Ang papalit sa kaniya ay siyang unang Chief Justice na maitatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.