-- Advertisements --

Halos 500 na mga katao ang inaresto sa Hyundai factory sa Georgia, USA.

Pinangunahan ng immigration authorities ang pag-aresto kung saan karamihan sa mga dito ay mga South Koreans.

Ang nasabing planta ay gumagawa ng mga electric vehicles at ito ay mahigit isang taon na nag-ooperate.

Ayon sa Department of Homeland Security na ipinatupad lamang nila ang search warrants dahil sa alegasyon ng “unlawful employment practices at ilang seryosong federal crimes”.

Paliwanag naman ni Steve Schrank, the special agent in charge ng Homeland Security Investigations sa Atlanta na ilang buwan nila itong inimbestigahan at nakakuha sila ng mga ebidensiya.

Itinuturing nila itong pinakamalaking single-site enforcement operation sa kasaysayan ng homeland security investigation.

Ang mga walang kaukulang dokumento ay pansamantalang inilagak sa US Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa Folkton, Georgia.