-- Advertisements --
Kinumpirma ng Bureau of Customs (BOC) na nasa kanilang kustodiya na ang kabuuang 28 luxury vehicles na may kaugnayan umano sa pamilyang Discaya.
Ngayong araw, kusang isinuko ng pamilya ang 16 pang mamahaling sasakyan, bukod pa sa 12 na naunang nasamsam sa bisa ng search warrant sa compound ng St. Gerrard Construction General Contractor & Development Corp. sa Pasig City.
Ayon sa kawanihan, isinasailalim na sa proseso ng sealing at documentation ang mga bagong isinukong sasakyan at mahigpit na babantayan ng mga tauhan ng ahensya habang bineberipika ang mga importation records at tinataya ang dapat na duties at buwis.
Kasama ang Land Transportation Office (LTO), ipinagpapatuloy ng BOC ang masusing imbestigasyon sa kaso.