-- Advertisements --
Pasok na sa finals ng Guadalajara 125 Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na mangibabaw sa semifinals laban kay American Kayla Day, 6-2, 6-3 sa laro na ginanap sa Mexico.
Bagamat naging mabagal ang simula ni Eala sa first set kung saan nakalamang si Day ng 0-2 subalit hindi ito hinayaan ng Pinay tennis player.
Ito na rin ang pangalawang finals appearance ni Eala sa WTA final na ang una ay sa Eastbourne Open noong Hunyo.
Makakaharap niya sa finals si world No. 134 Panna Udvardy ng Hungary.