-- Advertisements --

Sisimulan ngayong buwan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Infrastructure Corporation ang bagong Terminal 4.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Eric Jose Ines na target na matapos ng kumpanya ang terminal 4 sa kalagitnaan ng 2026.

Matatagpuan ito sa dating international cargo terminal sa pagitan ng Terminal 1 at 2.

Kapag natapos na ay magkakaroon ng paglilipat ng ilang mga airline companies.

Kung saan ang Terminal 1 ay para sa mga international flights ng mga budget airlines.

Habang ang Termnal 2 ay mananatilibilang domestic terminal.

Ang Terminal 3 naman ay para sa lahat ng mga international terminal ng full-service.