Samantala, nasa ilalim pa rin sa Tropical Cyclone Wing Signal (TCWS) No. 1. ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran kaugnay sa severe weather bulletin sa Tropical Depression na Auring sa Philippine Atmospheric Geophysical at Astronomical Services Administration (Pagasa).
Kasama sa mga lugar na sa Signal No. 1 na sa Luzon ay ang sa Sorsogon, Masbate, Ticao at Burias Islands, Albay, Catanduanes, at eastern portion sa Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Sagnay, Buhi, Iriga City, Nabua, Bato, Balatan).
Nag landfall si bagyong Auring sa Batag Island, Laoang, Northern Samar sa alas nuebe ng umaga ng Lunes.
Light hanggang moderate advisory ang ulan sa ngayon.
Dahil dito, nag downgrade na rin ang Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa blue alert status mula sa red alert.
Sa ngayon, binawi na rin ang suspension sa mga sasakyang pandagat at balik operasyon na ang mga pantalan.
Samantala, inaasahang magbalik na sa kani-kanilang tahanan ang humigit 5,000 indibidwal o 1,260 pamilya mula sa sampung lokalidad na lumikas noon Sabado.
Nagmula ang mga ito sa Danao City, at mga bayan ng Daanbantayan, Bantayan, Tuburan, Poro, Madridejos, Sibonga, San Francisco, Santa Fe, at Tudela.
Sa kabutihang palad, walang mga nasawi, nasugatan at iba pang hindi kanais-nais na insidente na nauugnay sa Auring na naiulat sa Cebu hanggang Lunes ng umaga.