Nanindigan si Vice President Sara Duterte na siya ay walang inaasahan at buong tapang na haharapin ang kaniyang impeachment trial matapos na mai-proklama ang 12 mga bagong senador.
Ani ng Bise Presidente, hindi na niya inaasahan ang isang acquittal o maski verdict guilty para sa kaniya sa magiging trial at nanindigan na siya ay mananatiling ‘at peace’ kahit ano man ang magiging kalabasan ng trial.
Dagdag pa ni VP Sara, hindi niya alam kung paano boboto ang mga senador at mali din aniyang bilangin agad ang boto dahil wala pang mgha sapat na ebidensya n ahawak ang Kongreso at wala pang naipapakita ang prosekusyon at lalong hindi pa lam ng publiko kung anong klaseng depensa ang kayang gawin ng kaniyang panig.
Binigyang diin din ng Bise Presidente na nais niyang matuloy ang trial para magkaroon ng isang ‘bloodbath’ sa kongreso.
Tiniyak rin ng opisyal na siya at ang kaniyang legal team ay ‘fully engaged’ sa mga preparasyon para sa inaasahang trial sa katapusan ng Hulyo taong kasalukuyan.
Samantala, nakahanda naman ding magsumite ng isang supplemental affidavit denying criminal offenses of inciting sedition and grave threats ang panig ni VP sara sa National Bureau of Investigation (NBI).