-- Advertisements --

Naaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga sangkot sa maanomalyang flood control projects na siyang inisyuhan ng Sandiganbayan ng warrant of arrests.

Ayon kay NBI Officer-in-Charge at Director Atty. Angelito Magno, hindi naabutan ng kanilang mga tauhan ang akusado na kinilala naman bilang si Anthony Ngo, isa sa mga Board of Directors ng Sunwest Corporation, sa bahay nito sa Cavite at natunton at naaresto sa Rolling hills, New Manila sa Quezon City.

Ayon naman sa Quezon City Police District (QCPD), nauna nang naghain ng mga warrant of arrest ang pulisya sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (DICG) Unit ng Philippine National Police (PNP) ngunit wala silang naabutang mga personalidad sa mga naging naunang attempts ng pulisya.

Samantala liban naman kay Ngo, binisita na rin ng QCPD at ng Kamuning Police Station ang mga lokasyon nina alyas Lerma Cayco at Timojen Sacar sa South Triangle na kapwa mga accountact sa Department of Public Works and Highways (DPWH) MIMAROPA Regional Office.

Tiniyak naman ng QCPD na mas pinapaigting pa nila ang kanilang mga follow-up operations at manhunt efforts para maaresto ang mga nasa listahan ng naisyuhan ng warrant of arrests.