-- Advertisements --

Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga military reservist na protektahan ang demokrasya at itaguyod ang karapatan pantao sa bansa. 

Sa kanyang mensahe para sa ika-46 na National Reservist Week, ipinahayag ni Duterte ang kanyang pasasalamat sa mga military resevist at sa kanilang serbisyo tuwing may emergency, sakuna, at krisis.

“I join the Armed Forces of the Philippines in commemorating the 46th National Reservist Week. We salute the valiant men and women of the AFP Reserve Force who demonstrate commitment in sharing their civilian lives for national service,” ani Duterte. 

“Bilang isa ring reservist, umaasa ako na lagi nating tatandaan na kailangan nating manguna para ipaglaban ang tama at katotohanan sa ating paglilingkod sa bansa. Protektahan natin ang ating demokrasya at isulong ang ating mga karapatan,” dagdag ng bise presidente. 

Pinayuhan pa ni Duterte ang mga reservist na patuloy na magsilbi bilang inspirasyon sa mas marami pang kabataan bilang mabubuting ehemplo ng pagmamahal sa bayan at tapat na pagsusumikap para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

“Mahalin natin ang Pilipinas — para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino,” wika ni Duterte.