-- Advertisements --

Inamin ni Vice President Sara Duterte na hindi nabigyan ng pagkakataon ang kanilang pamilya na mag-nominate ng bansang pagdadalhan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang interim release.

Ayon sa Bise Presidente, walang ibinigay sa kanilang pamilya ang International Criminal Court (ICC) na pagpipilian o tulong kaugnay sa pagdadalhang bansa sa dating Pangulo.

Ito ay sa sandaling payagan na ang request ng kampo ng nakatatandang Duterte na pansamantalang makalaya mula sa detention facility ng international tribunal sa The Hague, Netherlands dahil na rin sa kaniyang edad at kalusugan.

Bagamat, ayon kay VP Sara, positibo ang defense team ng dating Pangulo na mapapalaya ito sa lalong madaling panahon.

Hindi naman aniya nagbigay ng timeline ang mga abogado ng dating Pangulo kung kailan inaasahang magbigay ng ruling ang ICC sa kanilang request.