-- Advertisements --
image 14

Bilang paggunita ngayong taon sa Todos Los Santos, hinimok ni Vice President Sara Duterte ang mga Pilipino na magdasal at pagnilayan ang pananalig at debosyon ng mga Santo sa Maykapal..

Sa isang statement, sinabi ni VP Sara nakahinto ngayon ang bansa para bigyang pugay ang lahat ng mga Santo na nagpapaalala sa mundo ng habag, awa at walang hanggang pag-ibig ng Diyos.

Hinikayat din ng Bise Presidente ang bawat isa na magdasal para sa pagpapala ng mga Santo na gagabay sa atin tungo sa landas kung saan tinawag tayo para magsilbi sa mahihirap, naaapi, may sakit at namamatay.

Umapela din si VP Sara sa mga Pilipino na hilingin sa Diyos ang patuloy na biyaya ng kalakasan at kalunasan bilang isang nasyon.

Ipagdasal ang proteksiyon laban sa mga kalamidad, sakuna, giyera at pwersa na maaaring banta ating pagkakaisa at maaaring magdulot ng paghihirap ng sangkatauhan o kamatayan.