-- Advertisements --

Pinaalalahanan ni Vice President Sara Duterte ang publiko hinggil sa tamang pagsunod sa batas trapiko para makaiwas sa anumang uri ng aksidente sa kalsada.

Ginawa ng bise ang panawagan kasunod ng mga naitatalang pagtaas ng bilang ng mga aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng motor vehicles partikular na ng nangyari sa SCTEX at NAIA.

Ang mensahe na ito ay para sa Land Transportation Safety Month kung saan ay iginiit ng bise na kailangan na magtulungan ang mga motorista , pribadong sektor at gobyerno para masiguro ang kaligtasan ng mga motorista.

Ayon kay VP Sara , ang road safety ay hindi lang trabaho ng mga enforcers sa kalsada.

Nanawagan rin ito sa mga pribadong sektor na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga drivers at sumailalim sa matinding training at seminar.

Batay sa datos , aabot na sa 11,000 Filipinos ang nasawi noong taong 2021 dahil sa mga aksidente sa kalsada.

Karamihan sa mga ito ay mga pedestrians, motorists, bicyclists, at tricycle passengers na kadalasang may edad na 15- 19 taong gulang.