-- Advertisements --

Kusang nag-quarantine si Vice President Leni Robredo, bilang pag-iingat, matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa sa kaniyang mga tauhan.

Ayon kay VP Leni, kahapon pa siya nagsimula sa self-quarantine, makaraang makitaan ng sintomas ang nasabing OVP personnel.

“I started my quarantine yesterday after she developed symptoms. Because of this, I need to continue with my quarantine,” wika ni Robredo.

Sasailalim din daw ang bise presidente sa RT PCR test sa Lunes, kung saan magtatapos ang kaniyang isang linggong isolation.

Tiniyak naman ng OVP na tuloy pa rin ang kanilang mga trabaho para sa mga proyektong nasimulan sa loob at labas ng Metro Manila, kahit naka-quarantine si VP Robredo.