-- Advertisements --

Itinalaga si Lt. Gen. Bernard Banac bilang bagong Deputy Chief for Administration ng Philippine National Police (PNP), ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa organisasyon. Ang pagtatalaga ay epektibo ngayong araw, Agosto 6.

Pinalitan ni Banac si Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na inilipat naman bilang Area Police Commander ng Western Mindanao.

Nagsilbing tagapagsalita ng Pambansang Kapulisan si Banac mula 2019 hanggang 2020, at dati ring naging technical adviser sa United Nations Police Arms Embargo Cell sa Ivory Coast (2005–2007) at operations and planning officer sa UN mission sa Kosovo (2008–2009).

Matatandaan na isa rin si Banac sa mga pinagpilian bilang susunod na PNP Chief kasunod ni dating PNP Chief Romell Marbil.