Nasa ikatlong araw na ng kanyang self quarantine si Vice President Leni Robredo.
Ito’y matapos madiskubre na positibo pala sa Coronavirus Disease (COVID) ang nakasalamuha nitong pasyente.
Ayon sa 55-year-old vice president, naka-isolate rin ang kanyang chief-of-staff na tatagal hanggang sa makapagpa-swab test na sila para sa deadly virus.
“On Friday morning, we learned that someone, my chief of staff and I had very close contact with, tested positive for COVID. Following protocols, we decided to do self quarantine beginning Friday until we get a swab test,” saad nito sa kanyang personal Facebook account.
Dagdag nito, kanselado muna ang mga naka-schedule na events nito kabilang ang pagbisita sana sa Community Learning Hubs.
Sa ngayon ay wala naman aniya siyang anomang sintomas na tugma sa coronavirus.