-- Advertisements --

Inakusahan ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at administrasyon nito na inilalagay sa kapahamakan ang buhay ng ama.

Kasunod ito sa ginawang welfare checks ng Embahada ng Pilipinas ng hindi ipinaalam sa pamilya habang nakapiit ang dating pangulo sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Sinabi ng Bise Presidente na malinaw na inabuso ng Embahada ng Pilipinas ang panuntunan ng detention unit ukol sa consular visit.

Napag-alaman din nito na ang nagbigay pa sila ng ulat ukol sa pagbisita direkta kay Pangulong Marcos.

Malinaw aniya na inatasan ni Marcos ang mga personnel ng Embahada para tignan ang kalagayan ng dating pangulo.

Giit ng Bise Presidente na hindi kailangan ng ama ang gobyerno ng Pilipinas dahil kaya ng kanilang pamilya na alagaan ito.