-- Advertisements --
FUMIO KISHIDA BONGBONG MARCOS JR

Kapwa nagkasundo ang Pilipinas at Japan na magkaroon ng negosasyon para sa Reciprocal Access Agreement ng dalawang bansa para sa pagbuo ngg visiting forces deal sa gitna ng pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea.

Ito ay bahagi ng naging pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese PM Fumio Kishida sa pagbisita nito sa ating bansa.

Sa isang joint statement na inilabas ng Pilipinas at Japan ay sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na batid nilla ang mga benepisyo na maidudulot ng kasunduan na ito para sa defense and military personnel ng dalawang bansa, at gayundin sa pagpapanatilii ng peace and security sa buong rehiyon.

Kung maaalala, bukod dito ay inanunsyo rin ng pangulo na nagpaabot ang Japan ng officical security assistance grant sa Pilipinas na nagkakahalaga ng Php235-million na inaasahang makakatulong sa Department of National Defense na makakuha ng mga bagong kagamitan partikular na ng cooastal radar, at iba pa.

Habang lumagda rin ang dalawang top officials ngg kasunduan kaugnay sa standard operating procedure ng sharing ng maritime domain awareness sa pagitan ng mga coast guards ng Pillipinas at Japan.

Samantala, matatandaan din na bukod sa Japan ay mayroon ding existing visiting forces agreement ang Pilipinas sa iba pang mga kaalyado nating bansa tulad ng Estados Unidos at Australia.