-- Advertisements --

Nakabawi sa unang pagbagsak at napanatili ang Undisputed Super Bantamweight title ng Japanese boxer na si Naoya Inoue sa kaniyang laban kay Ramon Cardenas.

Bagama’t nagulat ang boxing fans nang patumbahin ni Cardenas si Inoue sa ikalawang round gamit ang isang malakas na left hook, agad na nakabangon ang Japanese fighter at nakapag-adjust ng kaniyang estratehiya.

Matapos ang knockdown, pinatatag ni Inoue ang kaniyang depensa at nagsimulang magpakawala ng matitinding atake, dahilan upang mapilitang mag-focus si Cardenas sa depensa.

Sa Round 7, nagawang magpatumba si Inoue kay Cardenas gamit ang sunod-sunod na straight right punches, pero nagawa pa ring tumayo nito.

Sa Round 8, naitulak ni Inoue si Cardenas sa lubid at nagpakawala ng malalakas na kumbinasyon, dahilan upang itigil ng referee ang laban.

Sa huli, panalo si Inoue sa pamamagitan ng TKO sa Round 8 (0:45), at patuloy niyang nadagdagan ang kanyang knockout streak sa 11.