-- Advertisements --

Naging produktibo ang pakikipagpulong nina Special Assistant to the President for Investment on Economic Affairs Secretry Frederick Go kay US Trade Representative Jaime Greer, kung saan tinalakay ang mga potensyal na arrangement upang mapatatag ang ugnayang kalakalan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Kasunod ito ng ipinatupad na 17% reciprocal tariff na ipinataw ng Washington sa mga produktong magmumula sa Maynila.

Ayon kay Sec. Go. naipa-abot ng Philippine delagation ang lahat ng concern na idinulog sa kanila ng mga stakeholders mula sa export industry ng bansa.

Ilan aniya sa mga partikular na industriya na kanilang tinalakay ay ang semi conductor at electronic industry, lalo’t ito ang nangungunang export industry ng bansa sa Amerika.

Sinundan ito ng coconut industry, gayunrin ang garment, furniture, at food processing industries.

Sabi ng kalihim, nailatag nila ang lahat ng issues na malugod namang pinakinggan ng mga kinatawan ng Estados Unidos.

Sa ngayon bumuo na ng technical working group ang Department of Trade and Industry (DTI) na siyang tututok sa naging negosasyon.

Tumanggi namang ihayag ni Sec. Go kung ano ang kanilang inisyal na napag usapan dahil sakop ito sa confidential agreement.