-- Advertisements --

Nagkampeon si dating world number 1 Naomi Osaka sa L’Open 35 de Saint-Malo na isang WTA 125 event sa France.

Tinalo ng Japanese tennis star si Kaja Juvan ng Slovania sa score na 6-1, 7-5.

Ito ang unang panalo niya mula ng magsilang ng unang anak noong Hulyo 2023.

Sinabi nito na hindi niya akalain na magwawagi ito sa lugar kung saan itinuturing niyang hindi siya magaling.

Dahil sa panalo ay maaring makabalik ito sa world’s Top 50 ranking.

Inamin ng 27-anyos na tennis star na ito ay nag-aadjust sa paglalaro ng tennis matapos ang pagsilang niya ng anak.