-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang pagtaas ng investments na naipasok nila sa bansa sa unang tatlong buwan ng taon.

Ayon sa BCDA na mayroong kabuuang P7.72 bilyon na investment sa unang quarter ng taon.

Ang nasabing bilang ay triple sa parehas na buwan noong nakaraang taon na mayroon lamang P2.49 bilyon.

Karamihan sa nasabing investments ay galing sa mga local na investors na mayroong P5.81-B na investment na naipasok.

Sinabi pa ni BCDA president and chief executive officer Joshua Bingcang na ang nasabing halaga ay nagpapakita ng tiwala sa mga investors sa mga economic zones kasama na ang New Clark City at ang Camp John Hay.