-- Advertisements --

Kinumpirma ng Palasyo na sumailalim sa isang spiritual session nitong weekend sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ang kaniyang mga gabinete.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na mismo si Pangulong Marcos ang nagpatawag nito, naging pagkakataon din ito na nagkasama sama ang pangulo at lahat ng miembro ng gabinete.

Sinabi ni Castro na si Father Tito Caluag aniya ang nanguna sa spiritual session para sa mga cabinet members.

Sa nasabing pagtitipon, nabigyan ng spiritual guidance ang mga miembro ng gabinete at iba pang opisyal ng gobyerno hindi lamang para sa kanilang pagsisilbi sa pamahalaan o bilang public servants kundi bilang isang indibidwal.

Hindi naman masabi ni Castro kung gaano katagal ang ginawang spiritual session.