Lumobo pa ang bilang ng mga residenteng naapektuhan sa pagputok ng bulkang Bulusan.
Sa pinakahuling report na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Disaster Response Management, umabot na sa 24,404 pamilya ang kumpirmadong apektado.
Ito ay binubuo ng 110,090 katao mula sa 73 barangay.
Kahapon (May 1), naghatid ang DSWD ng karagdagang family food packs (FFPs) sa 2,643 apektadong pamilya mula sa mga bayan ng Magallanes at Bulan sa probinsya ng Sorsogon.
Nagpadala rin ng malinis na tubig ang DSWD sa mga residente sa bayan ng Juban at Irosin na unang naapektuhan ng ashfall kasunod ng pagputok ng naturang bulkan.
Umabot na sa 16 million ang halaga ng mga tulong na naipamahagi ng ahensiya sa mga naapektuhang residente mula noong unang pumutak ang bulkan nitong Lunes, April 28.
Pagtitiyak ng ahensiya, nakahanda ang karagdagan pang mga family food pack para sa mga residente.