-- Advertisements --

Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng P20/kilo ng bigas sa Cebu sakto sa selebrasyon ng Araw ng Paggawa ngayong unang araw ng Mayo.

Pinangunahan mismo ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagbubukas ng P20/kilo na bigas sa publiko bilang ngayon ang umpisa ng pagbebenta nito sa bahagi ng Cebu.

Sa isang pahayag, ipinaliwanag ng kalihim na ngayong Labor Day ay tinutupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangako nito noong nakalipas na tatlong taon bago mahalal sqa posisyon na ibababa sa P20 ang presyo ng mga bigas para sa mga mas abot kaya na pagbili ng mga mamamayang pilipino.

kasunod nito ay nagkapirmahan rin ng memorandum of agreement ang Food Terminal Inc. at ang Provincial Government ng Cebu na magkakaroon ng pilot testing sa kanilang probinsiya hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.

Inasahan naman na magiging benepisyal ito sa halos 800,000 na mga pamilya o katumbas ng hindi bababa sa 4 milyong indibidwal.

Samantala, hanggang ngayon ay nagaantay pa rin ang departamento ng tugon mula sa Commission on Elections (Comelec) para sa hiling na exemption nito mula sa public fund spending ban simula bukas, Mayo 2 hanggang Mayo 12 na siyang mismong arw ng halalan.