-- Advertisements --

Nanawagan si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kay Vice President Sara Duterte na itigil na nito ang mga akusasyong walang basehan at harapin na lamang ang isyu sa confidential funds.

Sinabi ni Adiong ang ginagawa ngayon ng Pangalawang Pangulo ay puro divertionary tactics,nagbabato ng mga isyu na walang katotohanan.

Malinaw na iniiwasan ni VP Sara na sagutin ang totoong isyu lalo na sa kinasasangkutan nitong confidential funds.

Giit ni Adiong ang mga alegasyon laban kay VP Sara ay nag ugat sa findings ng COA kaugnay sa maanomalyang paggastos ng Confidential funds mula sa Office of the Vice President at Department of Education.

Ayon sa ulat, ang mga pondong ito ay inilaan sa mga intelligence assets na may mga kahina-hinalang pangalan tulad nina “Mary Grace Piattos,” “Kokoy Villamin,” “Xiaome Ocho,” at “Jay Camote” mga pangalan na tila peke at nagdulot ng pagdududa sa pagiging totoo ng mga transaksyon.

Binigyang-diin ni Adiong ang mga nasabing akusasyon ay hindi political narratives kundi totoong findings na ginawa ng state auditors.
Kaya dapat itigil na ni VP Sara itigil na ibahin ang isyu.