-- Advertisements --

Binatikos ng Palasyo ng Malakanyang si Vice President Sara Duterte dahil sa kaniyang pagtuturo na pinupulitika sila ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, matapos sampahan ng reklamo ang kaniyang kapatid na si Davao City Rep. Pulong Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro na hindi na nag-level up si VP Sara sa kanyang diskurso na puro palusot.

Ang tinutukoy ni Castro ay ang pahayag ng bise presidente na ang reklamo laban sa kapatid na si Cong. Pulong Duterte ay parte ng political attacks ng administrasyon.

Punto ni Castro, inamin at hindi itinanggi ng kongresista ang patungkol sa video.

Kaya naman tanong nito, paanong ibibintang sa Pangulo at sa administrasyon ang kagagawan ng kapatid ng bise presidente.

Dagdag ni Castro, alam ni Cong. Pulong ang batas at ang kanyang mga obligasyon bilang public servant kaya dapat sagutin nito ang reklamo laban sa kanya.

” As I have said during the last press briefing that the Vice President should have at least leveled up in her discussions, in her responses in certain issues. But it seems that she never heard anything in regard to that o she just refuses to listen. Hindi siya nag-level up mas parang bumaba pa. Inuulit niya muli ang kaniyang mga excuses na pamumulitika, politicking. Kung ito ay patungkol sa kaniyang kapatid sinabi niya po sa interview hindi pa niya nakakausap si Congressman Pulong Duterte. At malamang ay hindi niya rin po nadinig ang interview sa kaniyang kapatid at ito po ay nasama na po sa news and I quote sa Tagalog po ito pero he said it in Cebuano, “Sa aking mga kapatid na Davaoeño, ngayon nakita ninyo na naman ang video matagal-tagal na iyon nangyari. Sige lang, desisyon ninyo po pa rin kung sino ang iboboto ninyo sa pagka-congressman sa unang district. Hindi ako makikialam,” saad ni Duterte sa Wikang Cebuano. Cited po ito sa isang news article ng Abante,” pahayag ni Usec. Claire Castro.