-- Advertisements --

Namamayagpag ang National Capital Region (NCR) hanggang sa huling bahagi ng Palarong Pambansa 2026 kung saan nanguna sa medal tally na may 85 gold, 68 silver, at 69 bronze para sa kabuuang 222 medalya.

Pumapangalawa ang CALABARZON (Region IV-A) na may 54 gold, 47 silver, at 56 bronze o kabuuang 157 medalya, habang nasa ikatlong puwesto ang Davao Region (Region XI) na may 31 gold, 29 silver, at 32 bronze o kabuuang 92 medalya.

Kasama sa nangungunang lima ang Western Visayas (Region VI) na may 105 medalya at Central Visayas (Region VII) na may 97 medalya. Samantala, nasa ika-anim na puwesto ang Caraga Region (Region XIII) na may 71 medalya, kasunod ang Central Luzon (Region III) na may 87 medalya.

Sa kabuuan, 20 delegasyon ang nakapagtala ng medalya, kung saan ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay may 4 medalya, at ang Association of Philippine Schools Overseas (APSO) ay wala pang naitalang medalya.

Ang tala ay partial at unofficial hanggang 6:00 PM ng Mayo 30, 2026.