-- Advertisements --
Lalo pang lumakas at umakyat na ngayon sa typhoon category ang bagyong Domeng.
Ayon sa pinakahuling ulat, ang sentro ng mata ng Typhoon Domeng {Jangmi} ay namataan sa layong 815 kilometro silangan ng Northern Luzon.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 120 km/h malapit sa sentro at pagbugso ng hangin na umaabot hanggang 150 km/h.
Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 20 km/h.
Kasabay nito, umiiral ang Southwest Monsoon (Habagat) na nakaaapekto sa Visayas, Mindanao, at kanlurang bahagi ng Southern Luzon.
Inaasahang magdadala ito ng mga pag-ulan at malalakas na hangin sa ilang lugar.
















