-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang Bagyong Domeng habang nananatili sa silangan ng Pilipinas.
Ayon sa pinakahuling datos, ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa 1,120 kilometro silangan ng Central Luzon.
Kumikilos ito sa direksyong West Northwestward sa bilis na 10 km/h.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 85 km/h malapit sa sentro at pagbugso ng hangin na umaabot sa 105 km/h.
Bagama’t wala pang direktang epekto sa kalupaan ng bansa, patuloy na binabantayan ng mga eksperto ang galaw ng bagyo dahil maaari itong magdala ng malalakas na ulan at hangin sa mga susunod na araw.
















