-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na opisyal na nitong hiniling sa Philippine National Police (PNP) ang pag-suspendi sa permits ng nasa 100 baril na nakarehistro sa pangalan ni Senador Ronald dela Rosa.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, kabilang sa mga matataas na kalibre ng baril na pinapa-revoke ay ang automatic rifles at shotgun.

Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Frederick Vida ngayong araw na inaasahang mare-revoke sa lalong madaling panahon ang lisensiya sa baril ni dela Rosa.

Nauna na ngang itinuring bilang armado at mapanganib ang dating hepe ng pambansang pulisya sa gitna ng pagtugis sa kaniya ng mga otoridad matapos umalis sa puder ng Senado at mawala sa protective custody ng kapulungan.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pag-iwas ng senador sa inisyung arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya may kaniyang naging papel sa war on drugs ng Duterte administration.