-- Advertisements --

Bukod sa mga pormal na pag-uusap ukol sa diplomasya, naging sentro rin ng pansin ang masayang gabi ng kantahan sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa opisyal na pagbisita ng Pangulo sa Japan.

Sa isang video na ibinahagi mismo ni Prime Minister Takaichi, ipinasilip dito ang mga naging kaganapan at highlights ng state visit ni Pangulong Marcos.

Kabilang sa mga kinaaliwan ng mga netizen ang sandali kung saan magkasamang kinanta ng dalawang pinuno ang sikat na awitin ng The Beatles na “Hey Jude.”

Bukod dito, narinig din sa video ang pag-awit ni Pangulong Marcos ng ilang linya mula sa klasikong kanta ni Eric Clapton na “Wonderful Tonight.”

Sa kabuuan naging produktibo pa rin ang opisyal na pagbisita ng Pangulo sa Japan.

Matagumpay na naitaas ng Pilipinas at Japan ang antas ng kanilang ugnayan patungo sa isang Comprehensive Strategic Partnership, na naglalayong mas patatagin pa ang kooperasyon ng dalawang bansa sa ekonomiya, seguridad, at iba pang mahahalagang sektor.