-- Advertisements --

Binato ng sapatos si Kenyang President William Ruto habang ito ay nagtatalumpati sa Migori county sa western Kenya.

Tinatalakay nito ang planong pagtataas ng buwis hanggang binato ito ng sapatos mula sa audience.

Naharang ni Ruto ang sapatos ng kaniyang braso at hindi ito nagtamo ng anumang sugat.

Sinabi ni Interior Minister Kipchumba Murkomen na inaresto na ng mga kapulisan ang tatlong katao na siyang nasa likod ng insidente.

Magugunitang binato na rin ng sapatos si US President George W. Bush na galing sa isang Iraqi journalist noong 2008.