-- Advertisements --
Aabot sa 16 katao ang nasawi habang mahigit 400 na iba pa ang sugatan ng makasagupa ng mga kapulisan ang protesters sa Kenya.
Ipinoprotesta nila ang pagbibitiw sa puwesto ni President William Ruto dahil sa mga insidente ng paglabag ng karapatang pantao ng gobyerno.
Sinubukan pa ng mga protesters na lubusin ang bahay ni Ruto subalit hindi sila nagtagumpay dahil sa dami ng mga kapulisan na nakakalat.
Naglatag ng barikada ang mga kapulisan sa mga iba’t-ibang gusali na pag-aari ng gobyerno dahil sa tangkang paglapit ng mga protesters.
Patuloy din ang panawagan ni Ruto sa mga protesters na tigilan na ang pagsasagawa ng kilos protesta dahil sisira ito sa katahimikan ng kanilang bansa.