-- Advertisements --

Nakuha na ni Mexican boxing star Saul ‘Canelo’ Alvarez ang unified super middleweight world titles.

Ito ay matapos na talunin sa pamamagitan ng unanimous decision si IBF champion William Scull sa laban na ginanap sa Saudi Arabia.

Ang 34-anyos na si Alvarez ay mayroon ng 63 panalo, dalawang talo at dalawang draw na mayroong 39 knockouts .

Habang ang Cuban boxer na kaniyang nakalaban ay mayroong 23 panalo at isang talo.

Aminado si Canelo na mabilis ang paggalaw ng kalaban subalit kaniya itong napag-aralan at tinalo.

Magugunitang tinaggalan si Alvarez ng kaniyang Internatioanl Boxing Federation belt ng pumayag itong labanan si Edgar Berlanga sa Las Vegas noong nakaraang taon kaysa kay Scull na IBF mandatory challenger.