-- Advertisements --

Isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Yellow Alert ang Visayas Grid mula kaninang alas-6 ng gabi hanggang alas-7 ng gabi ngayong Sabado, Hunyo 13.

Ayon sa NGCP, ang available capacity ng grid ay nasa 2,669 megawatts, habang ang inaasahang peak demand ay 2,393 megawatts.

Sinabi rin ng ahensya na tatlong power plant ang nakaranas ng forced outage ngayong buwan. Bukod dito, walong planta ang hindi pa rin gumagana mula pa noong Mayo, habang siyam na iba pa ang tumatakbo sa mababang kapasidad, dahilan upang mawalan ang grid ng kabuuang 842 megawatts na suplay ng kuryente.

Dagdag ng NGCP, ang hindi pag-andar ng tatlong coal plant kasama ng mataas na demand sa kuryente, ang nagbunsod sa pagdeklara ng Yellow Alert.

Ang Yellow Alert ay inilalabas kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.