Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pag-obliga sa mga Chinese nationals na kumuha muna ng Philippine Visa bago makapasok ng bansa.
Sa ika-40 Cabinet meeting kagabi, iprinisinta ni Foreign Afffairs Sec. Teddyboy Locsin ang pagtanggal na ng nakasanayang Visa Upon Arrival sa mga pumapasok na Chinese nationals.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, agad naman itong inaprubahan ni Pangulong Duterte sa gitna na rin ng mga agam-agam sa pagdami ng mga Chinese tourists at workers na nakakapasok ng bansa.
Ayon kay Sec. Panelo, tiniyak din ni Justice Sec. Menardo Guevarra na mahigpit na imo-minitor ng Department of Justice ang pananatili ng mga turistang Chinese at ipatupad ang immigration measures kapag sila ay lumagpas sa pinayagang bilang ng araw sa Pilipinas.
Una nang inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na isa ng banta sa seguridad ng bansa ang sobrang pagdami ng mga Chinese nationals na nakakapasok.
“Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin proposed to stamp the Philippine Visa on passports of Chinese nationals who wish to enter the country instead of the practice adapted before of placing it on a piece of paper. This was approved by the President. Secretary Menardo I. Guevarra, on the other hand, said that the Department of Justice will be closely monitoring the stay of Chinese tourists in the country and will implement immigration measures should they exceed their allowable stay here,” ani Sec. Panelo.