Ikinagalit ni Senator Joel Villanueva ang pagiging “punching bag” sa tuwing mayroong nangyayaring anomalya sa flood control projects sa bayan nito sa Bulacan.
Pinabulaan din ng senador ang mayroong itong kinalaman sa P600-milyon insertion sa unprogrammed funds noong 2023 national budget.
Isinagawa ng Senador ang pahayag matapos na kumpirmahin ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang pagkakaroon ng P600 milyon na pondo para sa Bulacan flood control projects sa 2023 unprogrammed budget.
Sa pagbibilang ni Lacson ay mayroong pito hanggang walong items na nagkakahalaga ng P75 milyon bawat isa at may kabuuang halaga ng P600 milyon.
Una ng ibinulgar ni dating assistant district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Brice Hernandez na humingi ng 30 percent si Villanueva sa P600-M insertion.
Naniniwala din ang Senador na mayroong sumisira sa kaniyang pangalan para sa 2028 elections.
Nanawagan ang senador sa publiko na huwag paniwalaan ang mga nagpapakalat ng mga pekeng balita ukol sa nasabing usapin.















