Prime Minister Nguyen Xuan Phuc
-- Advertisements --

Napili bilang bagong pangulo ng Vietnam si Prime Minister Nguyen Xuan Phuc.

Papalit sa kaniyang puwesto naman ang kapwa Politburo member nito na si Pham Minh Chinh sa ginawang botohan sa National Assembly ng ruling Communist Party.

Ang 66-anyos na si Phuc ay naging Prime Minister mula pa noong 2016 matapos na hawakan ang ilang mga matataas na posisyon ng gobyerno gaya ng vice prime minister.

Tiniyak ni Phuc na magiging maganda pa lalo ang relasyon ng Vietnam sa iba’t-ibang mga bansa.