Inamin ni Vickie Marie Rushton ng Negros Occidental na malaki ang kanyang panghihinayang sa naging performance niya sa ginanap na 2019 Binibining Pilipinas kagabi.

Ayon kay Rushton, pinaghandaan nito ang question and answer portion at alam niya ang kanyang tatalakayin pero na-distract ito sa nag-make face na audience.

“Nasasayangan ako kasi I know na, kung ano ang sasabihin ko, pero may nag-distract sa akin sa audience doon ako nawala,” paliwanag nito sa isang panayam. “May tumayo at nag make-face.”

Narito ang QnA kay Rushton mula sa aktor at judge na si Daniel Padilla:

“Why is mental health as important as physical health?”

Rushton: “Mental health is important as physical health beacause it is about our inner being. Having self-love is important, and as a woman, I can inspire people to take care of themselves, to take care of their minds as well as their health because they will be as effective…”

Isa siya sa paboritong manalo sa 2019 batch of candidates at isa rin sa humakot ng special awards sa coronation night.

Gayunman, hanggang Top 15 lamang ang beauty queen girlfriend ng aktor na si Jason Abalos na malayo sa pagiging first runner-up sa unang pagsali sa Binibining Pilipinas noong nakaraang taon kasabay si Catriona Magnayon Gray.

Sa kabila nito, tuloy pa rin aniya ang kanyang sinimulan na advocacy.