Matapos ang harapan ng siyam na mga presidential aspirants, pagkakataon naman ngayon na magpakitang gilas ng mga vice presidential candidates kaugnay sa ikalawang araw ng PiliPinas Debates 2022 na pangungunahan ng Comelec.
Gayunman mula sa siyam na mga kandidato, pito lamang ang makakadalo sa venue sa Sofitel Hotel sa Pasay City.
Una nang tumanggi ng magkumpirma na dadalo sa debate si Davao City Mayor Sara Duterte, habang si House Deputy Speaker Lito Atienza, ay hindi makikibahagi bunsod ng medical reasons.
Kung maalala kagabi tanging si dating Sen. Bongbong Marcos lamang ang hindi rin dumalo sa debate.
Ang nagkumpirma na tutungo sa naturang debate ay sina
Walden Bello, Rizalito David, Manny Lopez, Dr. Willie Ong, Senator Francis Pangilinan, Carlos Serapio, at Senate President Vicente Sotto III.
Dakong alas-7:00 magsisimula ang programa at kabahagi rin ang Bombo Radyo stations nationwide ang magsasahimpapawid sa debate kasama ang mga social media channels nito na Facebook at YouTube.