-- Advertisements --

Inilabas na ng Department of Education (DepEd) ang panuntunan sa pagbabayad ng overtime sa mga guro.

Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara, na ito ay base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mabigyan ng pantay na bayad sa mga guro na nagta-trabaho ng sobra.

Inilabas ang guidelines nitong Setyembre 6 para sa mga guro na kukuha ng kanilang overtime pay.

Tiniyak ng kalihim na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos ay maaalagaan ng tama ang mga guro.