-- Advertisements --
Naglabas na ng show cause order ang Commission on Elections laban kay Lawrence Lubiano ng Centerways Construction matapos aminin na nagbigay siya ng Php30M kay Senador Chiz Escudero noong 2022 elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, magpapaliwanag ngayon si Lubiano kung bakit hindi siya dapat kasuhan, dahil ipinagbabawal sa batas ang mga kontratista ng gobyerno na magbigay ng donasyon sa kandidato.
Kasunod nito, susulatan din ng COMELEC si Escudero upang magpaliwanag. Kung mapatunayang lumabag, maaari siyang maharap sa parusang perpetual disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.