-- Advertisements --
sara duterte

Pinatitiyak ngayon ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Department of Education (DepEd) na tiyaking maibabalik ang pondo ng Special Education o SpEd para sa Fiscal Year 2023.

Ayon kay Undersecretary Annalyn Sevilla, magkakaroon ng internal realignment sa budget nito upang mapaglaanan ang SpEd.

Ibabalik aniya ang pondo ng SpEd na kapantay ng alokasyon sa 2022 budget.

Kinumpirma rin ni Undersecretary Epimaco Densing III na plano ng ahensya na ma-institutionalize ang budget para sa SpEd kung saan ilalagay ito bilang bahagi ng Tier 1.

Makikipag-ugnayan ang DepEd sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga alkalde upang alamin kung gaano karami ang mga kabataang nag-aaral sa ilalim ng SpEd.

Umaasa ang DepEd na maipatutupad ang infrastructure projects sa mga lugar kung saan marami ang special education children.