-- Advertisements --

Ipinupursige ngayon sa kamara ang panukalang maternity benefits para sa mga kababaihang manggagawa na nasa informal sector.

Kabilang sa informal workers ang mga sumusunod: Street vendors, Jeepney at tricycle drivers, Household helpers o kasambahay (kung walang kontrata), Construction workers na arawan ang sahod, Small-scale farmers at fisherfolk at Online sellers na hindi rehistrado sa BIR.

Sinabi ni Parañaque 2nd district Rep. Brian Yamsuan na makakatulong ito para sa ating mga kababayan na maliit lang ang kinikita.

Para sa mambabatas, ito ay hiwalay pa sa mga programa ng DSWD na 4Ps at TUPAD at kung sakaling maaprubahan ay maglalagay sila ng karampatang pondo para rito.

Giit ni Yamsuan, nais lang nilang mabigyan nang nararapat na benepisyo ang ating mga kababayan.

Sa ngayon, tanging ang mga sakop ng GSIS at SSS ang nakakatanggap ng mga angkop na benepisyo sa ilalim ng batas.