Nananatili sa loob ng evacuation center ang kabuuang 4,180 katao sa kabila ng pagbaba ng alerto sa bulkang Kanlaon mula sa dating Alert Level 3 patungong Alert Level 2.
Ito ay katumbas ng 1,287 na pamilya.
Batay sa report na inilabas ng Department of Social Welface and Development (DSWD) – Disaster Response Management, nananatiling bukas ang 18 evacuation center na pansamantalang tinitirhan ng mga lumikas na pamilya.
Mahigit 3,300 pamilya rin ang nananatiling nakikitira sa kanilang mga kaanak at kapamilya.
Mula nang huling pumutok ang bulkan noong December 2024, umabot na halos 100,000 katao mula sa Western at Central Visayas ang naapektuhan mula sa 30 barangay na nakapalibot sa aktibong bulkan.
Hulyo-29 nang tuluyang ibaba ang alerto sa bulkan matapos ang walong buwan na magmatic unrest at ilang serye ng mga pagputok.