Pumirma na ng contract extension ang 8-year veteran guard na si De’Aaron Fox na nagkakahalaga ng $229M.
Magtatagal ang naturang kontrata hanggang 2029-2030 season (4 years)
Sa kasalukuyan ay nasa huling taon na si Fox sa kaniyang $163 million contract sa Spurs at ang bago nitong kontrata ay magsisimula na sa 2026-2027.
Unang nakuha ng Spurs ang batikang guard mula sa Sacramento Kings nitong nakalipas na season at agad din itong nagpakitang-gilas sa koponan, hawak ang average na 19.7 points at 6.8 assists per game.
Kasabay ng tuluyang pag-alis ng 40-anyos na si Chris Paul sa Spurs, inaasahang sasabak si Fox sa mas mabibigat na papel bilang guard sa susunod na season.
Makakasama niya ang kapwa All-Star na si Victor Wembanyama at iba pang promising star ng Spurs tulad nina reigning Kia Rookie of the Year Stephon Castle, Jeremy Sochan, Keldon Johnson, at 1-time NBA champion Harrison Barnes.
Nitong nakalipas na season, hindi nakapasok ang Spurs sa playoffs matapos malimitahan sa 34 wins at 48 losses.
Gayonpaman, inaasahang magkakaroon ng malaking pagbabago sa performance ng koponan kasunod ng ilang ginawang pagbabago sa roster ngayong offseason.