VM Jom Delos Santos
VM Jom Delos Santos

Patay ang vice mayor ng bayan ng Jala-jala sa probinsiya ng Rizal matapos dapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Marso 25 ng magpositibo sa coronavirus si Vice Mayor Jose “Jolet” delos Santos at ilang araw lamang ay pumanaw na ito.

Sa social media post ng anak nitong si Jom, na labis ang kalungkutan nila dahil hanggang sa huling sandali ay hindi nila ito nakita.

Dumaan na ito sa isolation ng malamang nagpositibo ito sa COVID-19.

Pinasalamatan naman nito ang mga nakiramay sa pagpanaw ng kaniyang ama.