CEBU CITY – Inambus-patay ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang isang veterenarian sa may Purok Maanyag, Central Biasong, Talisay City, Cebu.

Kinilala ang naturang doktor na si Niel Pala Boligao, 48, tubong Cagayan de Oro ngunit temporaryo itong naninirahan sa Brgy. Cansojong ng nasabing lungsod.

Basi sa imbestigasyon, tinambangan umano ang biktima nga dalawang lalaking lulan sa isang motorsiklo at pinaulanan ng bala ang sasakyan ng doktor habang papaalis ito mula sa isang slaughter house sa naturang lugar.

Ayon naman sa business partner ng biktima na si Stella Acbayan sa panayam ng Bombo Radyo Cebu, hindi niya maintindihan kung bakit nangyari ito sa kanyang business partner gayong wala siyang nalalamang nakaaway ito.

Napag-alamang na nagbebenta ng karneng baboy ang biktima at iginiit naman ni Acbayan na sa ttalong taon nilang magkasama wala silang problema dahil mabait ang doktor.

Ngunit nabatid na may malalaking farm ito sa Cebu at nag-iisa na lang ito sa buhay.

Kaya naniniwala si Acbayan na napagkamalan lang ito.

Patuloy namang iniimbestihan ng pulisya ang nangyaring ambush.