-- Advertisements --

VIGAN CITY – Nakatakda na umanong asikasuhin ng isa sa mga sponsors ng Miss Universe Organization ang susunod na host ng Miss Universe 2020 pagkatapos ng naganap na coronation kahapon sa Atlanta, Georgia.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson na kakausapin na nito ang grupo ng mga kababaihan sa South Korea upang doon isagawa ang next Miss Universe beauty pageant.

Una nang ipinaliwanag ni Singson na last minute option lamang ng organisasyon ang pagsasagawa ng coronation ng Miss Universe 2019 sa Atlanta.

Gayunman, hindi na nito naibahagi ang pangunahing rason ngunit tiniyak nito na hindi isyu sa pera o sponsorship.

Naniniwala ang politician-businessman na kailangan lamang makumbinsing maigi ang grupo ng mga kababaihan sa South Korea upang doon na isagawa ang Miss Universe 2020.