Vanessa on memorial service

Magkakahalong pagngiti at pagluha ang naipakita ni Vanessa Bryant sa pagdalo nito sa public memorial para sa basketball star husband nitong si Kobe Bryant at anak na si Gianna sa Staples Center sa Los Angeles.

Sa humigit-kumulang 20 minutong speech, inuna ni Vanessa na gunitain ang kanyang 13-year-old daughter na para sa kanya ay “baby girl” niya habambuhay.

Suot ang all black outfit at nakalugay lamang ang buhok, ilang segundo munang na-speechless ang biyuda ng 41-year-old superstar bago nasimulan ang prepared speech.

“She was daddy’s girl, but I know she loved her mama‚Ķ Gigi was very competitive like her daddy, but she had a sweet grace about her. She was always, always, always considerate of others and their feelings. She was a beautiful, kind, happy, silly, thoughtful and loving sister and daughter,” ani Vanessa.

Sunod na nagbalik-tanaw ang 37-year-old model/dancer sa love story nila ni Kobe.

“I couldn’t see him as a celebrity nor just an incredible basketball player. He was my sweet husband and the beautiful father of my children. He was mine. He was my everything.

Kobe and I have been together since I was 17-and-a-half years old. I was his first girlfriend, his first love, his wife, his best friend, his confidant and his protector.

He was the early bird and I was the night owl, I was fire and he was ice, and vice versa at times. We balanced each other out.

He planned special anniversary trips and a special traditional gift for every year of our marriage.

A couple weeks before they passed Kobe sent me a sweet text and mentioned how he wanted to spend time together, just the two of us, without our kids, because I am his best friend first.”

Mapapansin kay Vanessa na halos nakatingin lamang ito sa kopya ng kanyang speech habang nagsasalita, matipid na ngiti sa audience, paminsan-minsan ay napapatingala na tila pinipigilan umiyak, pero kinalaunan ay nagpupunas na ng luha.

Ngayong araw ay halos isang buwan na mula nang pumanaw si Bryant at anak nito kasama ang pitong iba pa, bunsod ng helicopter crash sa mabundok na bahagi ng Southern California noong January 26. (CNN)